Babae patay nang ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Zambo City

0
26

Sharing is caring!

ZAMBOANGA CITY- Patay ang isang babae matapos ma-trap sa loob ng nasunog nilang bahay sa 4th Street, Southcom Village, Barangay Calarian sa Zamboanga City.

Sunog na sunog at halos buto na lamang ang naiwan sa katawan ng biktimang si Roma Sabado 31 taong gulang nang marekober ng mga bombero.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire protection (BFP) na sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng mga biktima.

Mahimbing umanong natutulog ang biktima habang nandoon din sa ikawalang palapag ng bahay ang kanilang kasambahay.

Nang sumiklab ang sunog ay sinubukan pa umanong gisingin ng kasambahay ang biktima pero mabilis umanong lumaki ang apoy kaya wala na rin itong nagawa kung hindi iligtas ang kanyang sarili.

Read Also:  Zamboanga City remembers September 2013 seige

Nadamay din sa sunog ang katabing bahay at tatlo pang mga commercial establishments.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ng BFP upang matukoy kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Ayon naman kay Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco na agad nilang inasikaso ang agarang tulong na ibibigay sa mga nasalantang residente.

Sharing is caring!