Arrest order vs ex-Customs Commissioner Faeldon, inilabas ng Senado

0
13

Sharing is caring!

Naglabas na ng arrest order ang Senado laban kay dating Bureau of Customs (BOC) Chief Nicanor Faeldon.

Ito ay kaugnay ng ilang beses na umanong kabiguan na dumalo sa imbestigasyon kaugnay sa P6.4 billion halaga ng shabu mula China.

Ayon kay Senate Sergeant-At-Arms Jose V. Balajadia Jr., inilabas ang nasabing arrest order kay Faeldon bandang alas-6:30 kagabi.

“Once we serve the arrest order, we will place him under the custody of the Sergeant -At-Arms,” ani Balajadia sa isang panayam.

Una rito, nais ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon na tuluyan nang i-contempt ang dating Customs commissioner.

Read Also:  21 Senate committee chairs named

Bunsod ito ng muling pagliban ni Faeldon kahapon, sa kabila ng mga imbitasyon na ipinadala sa kanya.

Nabatid na nagpadala naman ng liham si Faeldon, kung saan sinasabi niyang iginagalang niya ang Senado ngunit hindi raw siya nabigyan ng sapat na pagkakataong makapagbigay ng panig noong huli siyang dumalo sa inquiry.

Naghamon pa ito na kasuhan na lamang siya kung nakikita ng mga mambabatas na may kinalaman siya sa BOC anomalies.

Sharing is caring!