Alejano iniugnay si Duterte sa Ozamiz raid na ikinamatay ng 15 pati mayor

0
18

Sharing is caring!

Iginiit ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng madugong drug raid na ikinamatay ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at 14 na iba pa.

Maituturing umanong malaking isda ang mga Parojinog at malaki itong accomplishment sa kanyang pinasimulang war on drugs.

Sa kabilang dako, nagpahayag ng pagkabahala si Alejano sa mga pulis na umaabuso sa kanilang kapangyarihan at binabalewala ang rules of engagement.

Pinalalakas umano ni Duterte ang loob ng mga pulis na ilagay sa kanilang mga kamay ang hustisya.

Isang panukalang batas aniya ang kanyang ipinasa sa Kongreso upang itulak ang modernisasyon at i-professionalize ang Philippine National Police (PNP).

Read Also:  2 mayors in President Duterte's drug list surrender to CIDG

Sharing is caring!