AFP at NPA nagkasagupaan sa Zambo Norte; 15 IED narekober

0
35

Sharing is caring!

Nakasagupa ng mga sundalo mula sa 20th Special Forces Company kasama ang ilang government militiamen ang nasa 40 miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Titik, Leon Postigo, Zamboanga del Norte.

Batay sa report ng militar nagsasagawa ng security patrol ang mga miyembro ng CAA, CAFGU at mga sundalo ng makasagupa ang mga rebeldeng NPA.

Tumagal ng 40 minuto ang labanan at nag withdraw sa may Barangay Bucana, Sindangan, Zamboanga del Norte ang rebeldeng grupo.

Nakarekober naman ng 15 improvised explosive device (IED), tatlong rounds ng 40mm M203 ammo ang militar mula sa rebeldeng NPA kasama ang ilang mahahalagang dokumento.

Read Also:  I am a Filipino, no party or ideology owns me says Duterte

Wala namang naiulat na casualties sa hanay ng militar.

Sharing is caring!