75-anyos ama sa Pagadian, patay sa taga ng sariling anak na may diperensya sa isip

0
104

Sharing is caring!

Pinagtataga hanggang mapatay ng isang lalaki ang kanyang sariling ama sa labas ng kanilang bahay sa may Purok Nangka, Barangay Tuburan, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Ang 75-anyos na biktima ay nakilalang si William Carvajal habang ang suspek niyang anak ay kinilalang si Niño Gaco Carvajal, 35-anyos.

Base sa ulat ng Pagadian City Police Station, napag-alaman nila na matagal na ring may diperensya sa pag-iisip ang suspek na naninirahan kasama ng kanyang magulang.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagwawala umano ang suspek dakong alas-7:00 ng umaga at nang lumabas ang kanyang ama mula sa kanilang bahay at papunta na sana sa kanyang trabahao ay dito na pinagtataga ng suspek ang kanyang ama sa ulo na naging sanhi ng garang pagkamatay nito.

Read Also:  Sasakyang umandar mag-isa, bumangga sa isang kotse sa Pagadian City

Naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na ngayon ay naka-detain na sa selda ng Pagadian City Police Station.

Sharing is caring!