2 Pamangkin Ni Senadora De Lima, Huli Sa Pot Session

0
202

Sharing is caring!

Apat na katao, kabilang na ang dalawang pamangkin ni Senadora Leila De Lima, ang nahuli sa isang pot session sa Camarines Sur.

Ang mga suspek ay kinilalang sina William Catangui, 28, at Zaldy Botin, 31, kapwa residente ng bayan ng Baao at ang magkapatid na sina Alexander, 39 at Richard De Lima Colarina, 37, na residente ng Barangay San Agustin, Iriga City.

Ayon sa ulat ng Abante, hindi na nakapalag ang apat nang maaktuhan sila ng mga pulis habang sumisinghot ng shabu. Ilang sachet ng nasabing droga at drug paraphernalia ang nasamsam mula sa mga suspek.

Read Also:  Ozamiz City PNP chief,suspendido sa 90 adlaw

Nakapanayam naman ng Bombo Radyo ang pinsan ni De Lima na si barangay konsehal Elma Gaspi at kinumpirma nito na ang magkapatid na Colarina ay mga anak nga ng pinsan ng senadora.

Ayon pa kay konsehal Gaspi, na isa ring pinsan ng mambabatas, hindi umano kinukunsinti ng kanilang pamilya ang maling gawain ng kanilang kaanak. Katunayan, dati na umanong ipinadakip ni De Lima sa National Bureau of Investigation ang dalawa dahil sa pagkakasangkot sa droga.

Sharing is caring!