2 Metro Mla mayors ang ‘coddlers, protectors’ sa drug lords – NCRPO chief

0
26

Sharing is caring!

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief police director Oscar Albayalde na may mga impormasyon silang natatanggap na may isa hanggang dalawang alkalde sa Metro Manila ang nagkakanlong o protektor ng mga sangkot sa iligal na droga.

Pero sinabi ni Gen. Albayalde, wala namang direktang partisipasyon ang mga ito sa operasyon, tulad ng bentahan, produksyon o paggamit ng iligal na droga.

Ayon pa kay Albayalde, ang maraming sangkot sa transakyon ng iligal na droga sa kalakhang Maynila ay mga konsehal at mga nasa barangay level.

Gaya aniya ng drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte, walang Metro mayors ang kasali sa bentahan ng iligal na droga maliban sa pagtatakip o pag-aarbor sa mga drug lords na nagsasagawa ng operasyon sa kanilang nasasakupan.

Read Also:  2 ex-NBI officials file drug raps vs De Lima

Sharing is caring!