2 Chinese, cited for contempt ng Senado, dahil sa drug shipment issue

0
13

Sharing is caring!

Sinang-ayunan ng mga senador ang pag cite for contempt sa dalawang resource persons ng Senate blue ribbon committee dahil sa umano’y pagsisinungaling ng mga ito.

May kaugnayan ang usapin sa partisipasyon ng mga ito sa shipment ng iligal na droga na naipuslit sa Bureau of Customs (BOC).

Kabilang sa mga ito sina Richard Chen/Tan at Manny Li.

Una rito, iminungkahi ni Senate Majority Leader Tito Sotto na panatilihin sa kostudiya ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang naturang mga negosyante, hangga’t hindi nagsasabi ng totoo ang mga ito.

Agad naman itong inaksyunan ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon at inatasan ang sergeant at arms na gawin ang nararapat na aksyon habang nananatili sa kanilang kamay sina Chen at Li.

Read Also:  Bato dela Rosa gets documents detailing Kerwin Espinona’s transactions

Ayon kay Gordon, nagiging pabago bago ang mga pahayag ng dalawa, bagay na nagpapakita ng pag-iwas ng mga ito na makipagtulungan sa mga otoridad.

Nabatid na si Li ang nagpasa ng mga dokumento ng shipment ng droga mula sa China kay Kenneth Dong na siya namang nagsa-ayos ng paglabas ng shipment patungo sa broker.

Habang si Tan naman ang may-ari ng bodega ng Hong Fei Logistics na pinagdalhan ng 600 kilograms ng shabu.

Sharing is caring!