‘2 cabinet secretaries ang sisibakin ko sa puwesto’ – Duterte

0
37

Sharing is caring!

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng pagbabago sa kanyang mga cabinet secretaries kaugnay sa umano’y isyu ng “conflict of interest” sa pamahalaan.

Pahayag ito ng Pangulo habang nasa kanyang bahay sa lungsod ng Davao kasama ang kanyang mga apo bago bumalik sa Metro Manila.

Ayon sa punong ehekutibo, nasa dalawang kalihim ang papalitan niya ngunit hindi muna niya pinangalanan ang mga ito.

Ang Presidente ay bumalik sa Malacanang para pangunahan ang paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Muli namang inamin ni Duterte na nahihirapan siya sa kanyang naunang pangako na lilinisin ang gobyerno laban sa graft and corruption at illegal drugs lalo na’t pareho itong problema sa sistema ng pamahalaan sa bansa.

Read Also:  Duterte will reassigned Espenido to Iloilo

Samantala, sa gitna ng kontrobersiya na kinakaharap ng mga pulis dahil sa pagpatay sa isang binatilyo sa drug operation, sinabi ng Pangulo na tutulungan pa rin niya ang Philippine National Police na malalagay sa alanganin ang sitwasyon habang nasa kanilang trabaho maliban lang sa mga gumagawa ng krimen.

Kahit hindi aniya tuluyang maaalis ang problema ng graft and corruption at illegal drugs, naniniwala ang Pangulo na bumaba ang bilang nito.

Ito ang dahilan na gustong ipagpaliban ng Pangulo ang isasagawang barangay elections dahil alam daw niyang drug money ang gagamitin ng ilang politiko para lamang manalo.

Sharing is caring!