12 HINIHINALANG MIYEMBRO NG MAUTE NA NADAKIP SA PAGADIAN CITY PORMAL NANG KINASUHAN

0
212

Sharing is caring!

Pormal nang kinasuhan ang labingdalawang hinihinalang miyembro ng Maute terror group na nadakip sa isang ospital sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Batay sa criminal information na inihain sa Cagayan Regional Trial Court, kasong rebelyon ang isinampa laban sa labingdalawang suspek.
Matatandaang, labing tatlong hinihinalang miyembro ng Maute group ang unang naareto nang magtungo ang mga ito sa isang ospital sa Pagadian city para magpagamot.
Ngunit, ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, nasawi na ang isa pang suspek na kinilalang si Junaid dimarugong alyas Ameodin Ameril habang ibinibiyahe patungong Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.

Sharing is caring!